Archives
5 Comments Guessing game
Below is a joke contained in a book authored by a Cabinet Secretary. Tell me if the joke made you laugh or cry, and I’ll tell you who the author is. Trust me, you’ll find this interesting.
Ang Pagmamahal ng Isang Nurse
Registered nurse si Maria sa States. Kasama nya ang kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.
Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit na dikit ang mukha ng bangkay sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy and (sic) ang isang anak, “Ay, naku! Tingnan mo ‘yan…hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!” Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong.
Aha! May sulat sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Maria ay …
Mahal kong Tatay at mga Kapatid,
Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang Nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga.
Anyway, ipinadala ko kasama ni Nanay ang mga sumusunod…
Nasa likod ni Nanay ang dalawampu’t apat na karnenorte. Ang Adidas na suot ni Nanay ay para kay Tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni Nanay. Tig-iisa kayo.
Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni Nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana’y hindi matunaw ang mga ito.
Ang Pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni Nanay ay para sa bunso ni Ate. Gift ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni iinay, mga Japanese version ng Pokemon trading cards at stickers.
Suot ni Nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.
Suot din ni Inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo ang mga ito sa party.
…Tigadadalawang ream ng Marlboro Green at Winston Lights ang nasa pagitan ng mga hita ni Nanay.
Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni Nanay. Hati-hati na kayo, huwag sana kayong mag-aagawan.
….Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels .. yon bale ang pinagkutson ko sa kabaong ni Nanay. Marami-rami rin iyon. Parte-parte kayo.
Marami pa akong ipinag-sisiksik kung saan-saang parte gaa ng cafe, coffee creamer, ilang vienna sausage na de lata at Barbie dolls.
….Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si Nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, Tatay, Kuya, Ate, Dikong, Ditse. Para sa inyo lahat na ito.
Bahala na kayo kay Nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.
Paki-double check ang lista kung walang nawala sas mga ipinadala ko.
Nagmamahal,
Maria
P.S. Tatay, bago pala ang lahat ay ihanda nyo ang bihisan ni Nanay. Pag naparte-parte nyo na kasi ang mga ipinadala ko, tiyak na mahuhubarang ang Nanay. Yung paborito nyang damit pangsimba, yung pink na bulaklakin ang ipasuot nyo ha, Itay. Nakatago yun sa baul niya.
Blogger’s Note: Did you enjoy the joke? Let me know what you think and I’ll share with you the real punchline. Cheers!