Exercise Video of Our Times

Etta visits Astrovision.   

“May exercise VCD ba kayo?”   

Meron po.    “Anong klase? Ayoko ng masyadong mahirap, ha?    Madali lang po ito. Baka nga po kabisado na ninyo eh.   “O sige, nagmamadali ako. Bayaran ko na sa counter. Salamat!”   

Etta comes home, raring to try out her new exercise video.    The aerobics instructor was curvy, not slim, with streaks of color in her short, wavy hair.    “Mabuhay ka, Etta. Halina’t makibaka at mag-unat.”   

“Tumindig ng maayos at dahan-dahang ipihit ang iyong baywang pakaliwa.”   

“Itaas ang iyong kanang kamay, at iwagayway na para bang may hawak itong bandila.”    “Ipadyak ang iyong mga paa. Kaliwa, kanan, kaliwa.”   

“Ngayon, sumigaw ng, Ibagsak! Ibagsak! At humiga sa sahig.”   “Yakapin ang tuhod at idikit ang baba sa dibdib. Taas, baba. Taas, baba. Gawin ito ng sampung beses.”   

 “Muling tumayo. Huminga ng malalim. Ipikit ang mga mata at umungol sa hapdi ng iyong mga alaala.”    “Tumakbo ng mabilis. Sige,bilisan mo pa. Ngayon lumukso sa duwende ng iyong pagnanasa.”

“Isuntok ang kamao sa pisngi ng hangin. (sampung beses, ibuhos ang puwersa!)”  “Igiling ang baywang, pakaliwa, pagkatapos ay pakanan naman, sampung beses bawat isa.”  

  “Hindi ganyan. Lambutan mo pa. Kailangan mo iyan upang matunaw ang karahasan ng iyong taba.”    “Pagkatapos gumiling, dumapa at magpagulong-gulong sa lansangan ng iyong pangarap…”   

“Etta, bakit ka huminto? Hindi pa tayo tapos. Teka, ano ang gagawin mo? Bakit ka palapit dito? Huwag! Huwag! Etta, kung hindi ka kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kai—“   

Screen turns black. Etta picks up the phone and orders herself a pizza.         

      

Author: Susan Ople

Susan "Toots" Ople is the President of the Blas F. Ople Policy and Training Institute. She's an OFW and labor advocate based in the Philippines.

Share This Post On
  • http://www.bangketarepublique.com gari

    Hello Ms. Toots,

    Hahahaha am laughing out loud…
    and i am about to post this spoof
    all my yahoogroups and share the same
    laughter…naisip ko bigla, siguro nainspire
    kang gumawa ng spoof when you saw Etta at the
    launching of STOP CHACHA yesterday. :-D

    Gari

  • Pingback: Bangketa Republique 5.0 » Anong Meron si Etta?

  • http://www.susanople.com toots.ople

    naku gari, baka magalit sa akin ‘yun! marami namang Etta sa mundo, di ba? nabaliw lang ako kanina. hehehe. baka pati marangal na pangalan ng tatay ko madawit sa kalokohan ko…

  • http://www.bangketarepublique.com gari

    naku…iniisip ko baka si atty. harriet demetriou…kaya nga tinanggal ko na yung pix sa blog ko para isipin nila si aling
    loretta na tindera ng tinapa ang ating tinutukoy…accessory to the crime lang po ako. :-D

  • http://www,mikodelacruz.com Miko Dela Cruz

    Utang ko sa iyo ang isang ngiti ng umagang ito.

    Nalulungkot ako at ngayon lang ako napadpad sa blog na ito.

    :P

  • estelle osorio

    -_-`. what a strange imagination you have. hehehe. it made me smile :)

  • girlie

    hey i’m beginning to love your world of blogs! why? you’re so R-E-A-L and open and vocal and candid and cool…

  • Pingback: Massachusetts state lottery

  • http://www.articles53.info Aaron

    I couldn’t understand some parts of this article Our Times, but I guess I just need to check some more resources regarding this, because it sounds interesting.