giyera
baril, mahaba at mapusok
walang kinikilalang dugo
pinoy sa pinoy, kay Allah o Hesukristo
isang kalabit na kapangyarihan
bata, takot at umiiyak
takbo, tago, laro ng desperado
kapit sa palda ng nanay
at sa langit tumingala
ama, dibdib na marupok
pusong naghihimagsik
tikom bibig, matang dilat
ang tulog ay panaginip
maynila, maynila kasing ingay ng baril
kahit malayo sa bakbakan
mga henyo sa kuwartong malamig
isang kibit katumbas kapangyarihan
giyera, giyera
baril, patay, tumba
bilangin ang nasawi,
i-anunsyo sa pahayagan
at ang mga naiwan?
agos-luha, patay-gutom,
ano na nga ba ang sanhi?
ah, kapayapaan daw.
Recent Comments