Nakakahiya!
Pesteng kongreso.
Inuna pa ang kasino bago ang pangkalahatang kalusugan ng sambayanan.
Sa special session, bukod sa Anti-Terror Bill, ang binabanggit sa proclamation ni Pangulong Arroyo ay ang panukalang batas para sa mas mababang presyo ng gamot.
Ngunit imbis na ito ang ipinasa, inuna ng ating mga kongresista yung batas na pahabain ang franchise ng Pagcor ng 25 taon. Ito ay sa kabila ng mga senior citizens na naka-wheel chair pa na nagtungo sa Kongreso upang hilingin ang pagpasa sa nasabing panukala.
Ilabas ang timbangan ng bayan: alin ba ang mas mahalaga: kasino o buhay ng tao?
May isang araw na lamang natitira sa special session. Sinsero ba ang administrasyon na itulak ang batas na siyang magbababa ng presyo ng gamot?
Abangan!
Toots,
Talagang nakakahiya. This bill should have been first on the agenda. I suppose that congress has nothing on its mind than how to terrorize the people and save the administration’s milking cow. I do not know where their priorities are.
Nakakahiya talaga itong mga congressman na wala yatang konsensiya dahil hindi iniisip ang kapakanan ng kanilang dapat silbihan–ang common tao.