Parang mga bata…
Parang mga bata ang ating mga mambabatas. Nag-uusap at nagsasagutan lamang sila sa media. Ang Palasyo naman ay kumampi sa panig ng mga pasaway. Imbis na pagbatiin, sila ang tagatulak at taga-renda, tulak, renda, tulak, renda…hindi pamumuno ang maitatawag diyan.
Lahat tayo ay napapahamak dahil sa “now or never” na pananalita ng maka-administrasyon. Sila ang sumisira sa tunay na kahulugan ng Charter change.
Nasa kamay ng administrasyon ang solusyon. Kailangan silang mahimasmasan. Mag-isip ng mas malalim at malawak.
Huwag ng sirain ang Pasko nating lahat. Magkaisa na sana sa pagpapatuloy ng halalan sa susunod na taon. Kapag malagkit ang ating pakiramdam, hanap ng ating katawan ang maligo at magpalit ng kasuotan. Ganyan din ang isang bansa.
Para mahimasmasan, hindi sapat ang iilang basong tubig. Maligo tayo sa pamamagitan ng isang malinis na halalan sa 2007. Matirang matibay. Hayaan ang taongbayan ang humusga.
Recent Comments