Transcript of Sabaw ng Bayan! Press Conference

Somewhere in the archipelago of the Philippines…

  

Igloo: Ito po ang inyong lingkod, si Igloo Clabyu, at nandito tayo sa carinderia ng Sabaw ng Bayan! para sa isang mahalagang press conference. 

SnB: Maraming salamat, ladies and gentlemen of the press at dumalo kayo sa aking press conference. Ang SnB ay may mahalagang announcement, pero bago ang lahat, humigop muna kayo ng mainit kong sabaw… 

SFX: Sluuurrrppp. Slurrrrrpppp. Burp! SnB: Kami ay nagpatawag ng presscon para ipaalam sa lahat na 9 million na ang mga Pilipino ang nakahigop ng aming sabaw at ayon sa kanila, ito ang sabaw ng pagbabago at ito ang sabaw na magpapalakas sa lahat ng Pilipino!  

Igloo: Manong, 9 million kamo? Ang dami namang nun! Paano sila nagkasya sa carinderia mo? Tsaka, may pruweba ba kayo? 

SnB: Totoo yan, Igloo. At bilang katibayan, ito .. ipinapakita ko sa inyo.. ang 9 milyong pirma na aming nakalap bilang patunay na ganyang karami na ang pumapabor sa Sabaw ng Bayan! 

SFX: Murmurs from the press as they examined the signatures. 

Igloo: Manong, bakit kasama diyan ang pirma ni Mang Enteng, ‘yung tubero sa kanto? Eh, di ba patay na yon? 

SnB: Ah, Igloo, kilala mo din pala si Enteng. Kami ay nakikiramay sa pamilya niya. Pero bago siya namatay ay humigop muna siya ng Sabaw ng Bayan kaya’t nakapirma siya dito sa aking form.  Igloo: Anong klaseng form ba yan, Manong? 

SnB: Ito ang comment form namin. Iisa lamang ang katanungan diyan.  Igloo reads the form aloud. 

Igloo: “Kayo ba ay sumasangayon na baguhin ang menu ng bawat carinderya upang magshift from chicken mami to Sabaw ng Bayan? If yes, pumirma. If No, huwag pumirma. (Note: Bottomless sabaw para sa mga lumagda!)” 

Miron 1: Aba, di maganda iyan! Matagal nang may chicken mami dito. Bakit naman kailangan palitan ang chicken mami na kabisado na namin ang lasa? 

SnB: Teka, imbitado ba kita sa presscon na ito? STOP, look and listen dahil ang Sabaw namin ang pinaka-masustansya at masarap sa lahat! Lumang luma na yang chicken mami na ‘yan. Laos na ‘yan. Ang aming mungkahi ay wala ng chicken, wala ng mami … durugin lahat ng rekado at ipagsama sa iisang sabaw lang, mapapabilis pa ang paghigop dahil iisa lamang ang matitikman at malalasahan mo. Ito ang sabaw ng mga yagit! Ito ang tunay na Sabaw ng Bayan!  SFX: (echo) Bayan, bayan, bayan. 

Miron 2: Ayaw namin sa sabaw mo. Nakakasawa at di namin alam kung paano lutuin ‘yan.   

SnB: (nagtaas ng boses) Aba, di mo ba alam na ito ang sabaw ng Britain at France? Kaya’t mayaman ang mga bansa na iyan ay dahil sa sabaw ko! 

Igloo: Manong, eh paano kung hindi magtagumpay ang mga pagbabago na gusto ninyo?  SnB: (Hikbi) Ok lang. Babalik na lang ako sa pagtinda ng shawarma. Hindi naman naglalayo ang Sabaw ng Bayan sa Shawarma ng Bayan, di ba? Igloo, puwede din akong mag-franchise. Type mo? O ayan, humigop muna kayo. Dalian niyo at baka lumamig ang sabaw ko. SFX: Sluuuuuurp. 

With a full stomach and a contented smile on their lips, Igloo and the two Mirons reach over to sign the SnB form.  End of Press Conference         

 

 

Author: Susan Ople

Susan "Toots" Ople is the President of the Blas F. Ople Policy and Training Institute. She's an OFW and labor advocate based in the Philippines.

Share This Post On
  • http://tuldok.wordpress.com Tuldok

    Papalitan ang sabaw, isasabak ang sambayanan sa isang mapanganib na pagbabago…worth it nga ba?